Una sa Balita

Madaliang pagbuo sa PCC, posibleng maging ugat ng korapsiyon

0 117

Posible umanong ma­ging ugat ng korapsyon ang madaliang pagbuo sa Philippine Competition Commission (PCC).

Ito ay batay sa ginawang pag-aaral ng mga telecom analyst sa plano ng PCC na buksang muli ang natapos nang bentahan ng P70 Billion SMC-PLDT-Smart-Globe deal para sa 700 mghz broadband sa bansa.

Pinagtakhan ng mga telecom analyst kung bakit pinipinilit ng PCC na mabuksan ang natapos nang bentahan gayung dumaan na sa pag-aaral at pag-apruba ng Natio­nal Telecommunication Commission (NTC) ang nasabing bentahan.

Bukod sa NTC ay may court order na rin ito na nagsasabing legal ang naturang bentahan. Pinagtakhan din ng mga telecom analyst kung bakit hindi kumilos ang PCC noong nakikipagusap ang SMC at Telstra para gamitin ang 700 mghz broadband.

“In good faith naman ang nakikitang intention sa pagbili ng PLDT at Globe sa 700 mghz, ito ay para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino na magbibigay ng mabilis na internet service sa bansa, kaya bakit kailangang harangan ng PCC ang bentahan kung ang kanilang sinasabi ay para sa equal business interest ng iba pang telco,” ayon sa telecom analyst. “Wala namang masama na bigyan ng pagkakataon ang foreign telco na mag-operate sa Pilipinas pero sana bigyan muna ng pagkakataon ang local telco na mag-improve ng kanilang services sa mamamayang Pilipino, ‘yan ang nakikita namin sa equal business protection na dapat bigyang pansin ng PCC,” ayon pa sa telco analyst.

Alinsunod sa batas, tanging ang NTC at DICT ang may mandate bilang regulators at policy-setting agencies na sumusuri sa telcos para sa kapaka­nan ng publiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy