Una sa Balita

Madali nang magparehistro ng lupa

By
0 114

Kung dati ay pahirapan ang pagpapasuri at pagrehistro ng lupa, iba na ang sitwasyon ngayon dahil madali na itong magagawa dahil sa modernisasyon.

Ipinahayag ng isang kinatawan mula sa Land Registration Authority (LRA) na maari nang suriin at iparehistro ang mga lupang nasa malalayong lugar sa kahit saang sangay ng Registry of Deeds.

“Dahil nag-computerization na tayo, ang mga titulo, puwede niyong i-certify kung saan may malapit na Registry of Deeds sa inyong lugar,” ani Atty. Sedfrey Garcia.

Sa dating proseso, kinakailangan pang idulog sa sangay ng Registry of Deeds na pinakamalapit sa lupa.

Subalit ngayon, kung binebentahan ang isang residente ng lalawigan ng Rizal ng lupa sa Mindanao, maaari na umanong idaan ang proseso sa pinakamalapit na Registry of Deeds. Sa ganitong paraan, tipid sa pamasahe at oras ang nagre-request sa kanilang tanggapan.

Tiniyak pa ni Garcia na mabilis lamang ang pagproseso dahil binibigyang prayoridad ng mga registry ang mga request mula sa ibang lugar.

“Ni-request ko, nasa iba akong lugar. ‘Yong registry na pinag-request ko, dapat i-prioritize ko,” paliwanag ni Garcia.

Bukod umano sa mga lupa at bahay, maaari rin na ipa-rehistro sa LRA ang mga personal na ari-arian. Ilan sa mga nabanggit ang sasakyan, motorsiklo at mga alahas.

Inirerehistro rin sa LRA ang mga transaksiyon ng sanglaan. Subalit ang mga partido sa sanglaan ang dapat maglapit nito sa ahensiya. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy