Una sa Balita

Macmac, Knights tatapusin ang Tigers

0 243

MAY bagong kampeon na ba ang Maharlika Pilipinas Basketball League o maipwersa pa ang all-or-nothing Game 5 sa national finals series?

Dadagitin ng San Juan Knights ang kampeonato sa liga habang ipupuwersa naman ng Davao Occidental Tigers ang isang rubbermatch sa Game 4 ng finals, Lunes sa FilOil Flying V Centre.

Tangan ang kumpiyansa sa hu­li nitong panalo sa kanilang balwarte, sisikapin ng Knights na tapusin na ang serye at sungkitin ang kampeonato, na huli nilang nakuha noong 2000 sa defunct na Metropolitan Basketball Association (MBA).

Bagaman wala si coach Randy Alcantara noong Game 3, nagpatuloy pa rin ang pag-ariba ng Knights lalo na ang hindi inaasahang pagpapabibo ni Jhonard Clarito na may 12 markers at 18 rebounds.

Hindi man maganda ang pinakita ni Macmac Cardona, siguradong isa ito mga sasandalan ng tropa kasama si John Wilson, Mike Ayonayon at Larry Rodriguez. (Fergus E. Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy