Una sa Balita

Machine helper tigok sa heat stroke

By
0 347

NASAWI ang isang 51-anyos na machine helper na hinihinalang na-heat stroke dahil sa matinding init sa ­Tondo, Maynila.

Natagpuang naka­handusay at wala nang buhay sa loob ng banyo ang biktimang si Angelito Cruz, taga-1645 Yakal Street, Tondo, Maynila dakong alas-nuwebe Sabado ng umaga.

Ayon sa kasama­han ni Cruz na si Aldwin ­Gloria, 43-anyos, pumunta ito sa bahay ng biktima para ipaalala ang kanilang trabaho.

Gayunman, nakita niya ang biktima na nakahandusay sa banyo at dahil sa takot ay bu­malik siya sa kanilang opisina at ipinaalam sa kanilang mga katrabaho ang nakita.

Nang puntahan ang biktima, dito nadiskubre na wala na itong buhay kaya agad itong ini-­report sa pulisya.

Hindi na pinaim­bestigahan ng kamag-anak ng biktima ang pagkamatay ni Cruz ­dahil wala umanong nakitang palatandaan na may naganap na foul play.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy