Una sa Balita

Macau may 2 kaso ng mala-sars virus

0 231

Nakumpirma kahapon­ sa Macau ang pangalawa nitong kaso ng SARS-like coronavirus na nag-positibo sa isang 66-anyos na lalaking turista mula Wuhan City, China.

Dumating kahapon, Enero 22, sa Macau ang lalaki mula sa Portas do Cerco Border, na habang tinatawid ay pumalo sa 38.7 degree Celsius ang kanyang temperatura.

Ayon sa Macau News, agad sinugod ang lolo sa Special Emergency Service ng Conde S. Januário Hospital kung saan nalamang nagpositibo ito sa virus.

Kahapon din kinumpirma ang 52-anyos na babaeng negosyante mula Wuhan City, China bilang unang kaso ng coronavirus sa lungsod. Na-confine ang babae sa parehong ospital na pinagdalhan ng lolo.

Namamahagi na ang mga awtoridad ng mga face mask sa mga casino at daungan.
Kinansela naman na ng Macau Government Tourism Office ang lahat ng Chinese New Year activity sa lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More