Una sa Balita

Macalintal kay Imee: Masyado kang maka-China

0 628

BINUWELTAHAN ng Otso Diretso candidate na si Atty. Romy Macalintal si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos dahil sa pahayag nito na ang Pilipinas ang nagsimula ng gulo laban sa China tungkol sa West Philippine Sea.

Sa isang post sa kanyang Twitter account, pabirong tinira ni MacaRomy ang tila pagkaignoranteng pahayag ni Marcos, isa sa mga kandidatong suportado ng administrasyon, nang sabihin nitong “takaw-gulpi” lamang ang ginawang paghahain ng kaso ng Pilipinas laban sa China sa arbitral tribunal.

“Busy lang siguro sa kampanya kaya hindi nakakapanood ng balita si Ms. Imee,” aniya.

Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na ang Pilipinas ang nagsimula ng gulo tungkol sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea nang dalhin nito ang China sa Permanent Court of Arbitration.

Ito ay sa kabila ng pagtatayo ng China ng mga istruktura sa mga bahagi ng West Philippine Sea, at ang panggigipit at pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino.

“Siyempre controversial ito, maraming maiinis sa akin. Tayo nag-umpisa ng gulo,” wika ng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos. “Bakit naman kasi natin hinabla sa world court? We star­ted it. We picked a fight and then ngayon, iyon pala hindi natin kaya. Ano bang klase iyon? Talagang takaw-gulpi tayo.”

Umani ng batikos ang pahayag na ito ni Marcos. Tinawag rin siyang ignorante ng kalihim ng Department of Foreign Affairs na si Teddyboy Locsin, Jr.
Matatandaan na noong 2016, naipanalo ng Pilipinas ang kaso sa arbitral tribunal—isang makasaysayang resulta na tila isinantabi ng administrasyon dahil sa “pakikipagkaibigan” sa China.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy