Una sa Balita

Macalintal: Karapat-dapat sa Senado, ‘di umuurong sa debate

0 313

IDINIIN ng Otso Diretso candidate na si Atty. Romy Macalintal na ang tunay na karapat-dapat sa Senado ay ang mga kandidatong ‘di umaatras sa diskurso, lalo na kung tungkol sa mga isyu ng lipunan.

Ayon kay MacaRomy, karapatan ng taumbayan na malaman ang pananaw at mga plano ng mga kandidatong gustong mahalal sa Senado. Ito ay sa gitna ng patuloy na pag-iwas ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago sa hamon na makipagdebate sa mga katunggali, lalo na mula sa Otso Diretso.

Imbes na puro kantahan, kantiyawan, at sayawan lang, dapat ang pag-usapan ay ang mga isyu gaya ng TRAIN Law, na nagpataw ng pabigat na dagdag-buwis sa mahihirap, at ang panghihimasok ng China—mula sa pagnakaw sa ating mga teritor­yo hanggang sa pag-agaw ng ating hanapbuhay.

“With due respect doon sa kabila, matagal na namin silang hinahamon ng debate para malaman namin ano ba ang kanilang posisyon sa mga bagay na ito.

May mga batas silang ipinasa pero ayaw naman nilang ipagtanggol sa harap ng taumbayan,” wika ni MacaRomy sa isang panayam.

“Kami ay naghihintay ng kanilang kasagutan. Ang laging sinasabi nila sa amin ay kami lang daw ay gumagawa ng isyu para sila ay atakihin namin. Pero hindi iyon eh, kailangan pinag-uusapan ang mga isyu,” dagdag pa ng beteranong abogado.

Maraming beses nang hinamon ng Otso Diretso sa isang debate ang HNP ngunit hindi sila sinipot ng mga kandidato ng Hugpong. Katwiran nila, sa Senado na lang daw nila sasagutin ang mga mahahalagang isyu na gusto sanang talakayin ng Otso Diretso sa panukala nitong debate.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy