Una sa Balita

Mabuti at hindi eleksyon

0 478

Pinahahaba ng isang mambabatas ang probationary employment ng mga nagtatrabaho mula anim na buwan hanggang 24 na buwan bago i-regular.

Ito ang nilalaman ng House Bill 4802 na iniakda ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose ‘Bonito’ Singson Jr.

Naniniwala kasi ang kinatawan ng Probinsyano Ako na hindi sapat ang anim na buwan para malaman kung kuwalipikado sa trabaho ang probatio­nary employee.
Para sa nasabing party-list, sa pag-unlad daw ng teknolohiya sa iba’t ibang industriya ay dapat dumaan sa developmental training at pagtatasa ang mga bagong nagtatrabaho para matiyak na kaya nila ang iniatang na trabaho sa kanila.

Isang tumataginting na wow ang nais na­ting iparating sa party-list na ito.
Mukhang baligtad ang kanyang pag-aaral dahil hindi ba’t ngayong puro hi-tech ay mas madami nang matututunan ang mga empleyado?

Kaya isang malaking kalokohan ang kanyang nakikitang dahilan ng pagsusulong na gawing 24 months bago i-regular ang isang empleyado.

Malinaw na hindi maka-manggagawa ang Probinsyano Ako.

Pagpapahirap sa mga manggagawa ang nakita kong magiging epekto ng HB 4802.
Pasalamat na lang ang party-lisy group na ito at tapos na ang eleksyon kundi ay na­ngitlog ito ng boto sa mga manggagawa.

Pero huwag nang mag-alala ang mga puwedeng masaga­saang empleyado dahil tutol sa panukalang ito si Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello.

Matigas ang pinuno ng DOLE na lalabanan ang anti-manggagawang panukalang ito kahit makarating kay Pangulong Rodrigo Duterte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy