Una sa Balita

Mabuti ang magiging epekto ng pederalismo

By
0 2,366

Kumpiyansa si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na maraming magandang epekto ang idudulot ang isinusulong na pederalismo.

Ito ang binigyang-diin ni Belmonte sa harap ng mahigit 1,000 kababaihan ng 4th district ng Quezon City sa ginanap na QC Women in Governance Forum sa Galas covered court sa naturang lunsod kahapon.

Sa ilalim ng federal system of go­vernment ay dahil direkta at hindi na dadaan sa national government ang pagkakaloob ng basic needs ng mga tao tulad ng programa sa pabahay, pangkalusugan, sanitasyon, roads, water management, energy, planning, edukasyon, tax, flood control at iba pa.

Aniya, tanging ang hahawakan ng Presidente sa ilalim ng federalism ay ang 50 percent ng gobyerno na sasaklaw lamang sa AFP, national security, ambassador, trade development sa national government at ang 50 percent ng pamahalaan o ang regional government ay hahawakan ng isang Prime Minister na hihirangin ng mga assemblymen.

Ang Senado naman ay magiging per rehiyon na ang boto.

Dito anya, hindi na dadaan pa sa national government ang pondong laan sa mga LGUs dahil direkta na nila itong matatanggap sa ilalim ng pederalismo dahil pantay-pantay na ang lakas ng bawat rehiyon.