Una sa Balita

Mabuhay ka Cassy!

0 313

Nagpasaring nitong Martes ang asawa ni Raymond Almazan ng Meralco na niluto ng mga referee ang 44th Philippine Basketball Association (PBA) Governors Cup 2019-2020 best of seven Finals Game One sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Kinopo ng Barangay Ginebra San Miguel ang laro sa kumpas ng 91-87 tapos nang butatain ni Japeth Paul Aguilar ang isang drive ni Meralco import Allen Durham sa endgame.

Ang nasabing tagpo ang nagpagalit kay Liza Almazan, na sa paniwala niya gaya ni Durham ay may dapat pumitong reperi para foul na may katumbas na dalawa sanang free throw para sa Bolts reinforcement.

Ang sinabing ‘cooking show’ ni Liza sa kanyang Twitter account ang nagpainis sa mga tagasunod ng Gins laban sa kanya.

Nabugbog sarado sa socmed si Liza kinabukasan o Miyerkoles hanggang nitong Huwebes. Bitter daw si Liza at kung ano-ano pang masasakit na salita ang inabot niya sa mga basher niya.

Ang mga bumira sa kanya siyempre ay mga fan ng Gin Kings.

To the rescue naman ang nakatakdang maging asawa ni Aguilar na si beauty queen Cassandra Naidas.

Dinipensahan ni Cassandra o Cassy si Gng. Almazan. Pinanawagan niyang ‘wag i-bash si Liza sa kanyang tweet.

“Hi Gin friends, please don’t bash Almazan’s wife for her post. Just like anyone else, she’s entitled to her opinion. Also, friends ko naman sila and I don’t think it’s an attack on Ginebra or the players. It’s directed towards the refs. We’ve all been there Spread love!!” tweet ni @cassynaidas
Pinakita ni Cassy na sa kabila nang pagiging byuti at talino niya, kasama pa ang pagiging crowd darlings ng team ni Japeth, ang kabaitan niya.
Kababaang loob, class act ‘ika nga.

Mula sa FTS Cassy, mabuhay ka!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More