Una sa Balita

Mabuhay ka ‘Bespren’

0 282

Mga ka-Abante, kung napanood ninyo iyong interview natin sa may-ari ng NBL Team ng Nueva Ecija na si Renan ‘Bes­pren’ Morales nitong nakaraang linggo sa ating vlog na BANTAY SARADO, ang daming na-impress dahil kahit dati siyang atleta hindi pa rin siya nakakalimot tumulong sa kanyang mga kababayan.

Nagtayo siya ng team para may malaruan ang kanyang ka­babayan sa Nueva Ecija at maisakatuparan ang paglalaro ng basketball sa malaking stage.

Hindi natin masabi baka dumating ang araw na may isang taga-Nueva Ecija na makala­ro ulit sa PBA.

Marami rin siyang advise sa mga atleta kung papaano makamit ang tagumpay sa sports at kung ikaw ay OFW na nagpaplano magtayo ng negosyo.

Hindi malayo na maraming matulungan si Bespren kung siya ay public servant dahil mas lalawak pa ang kanyang masasakupan.

Mabuhay ka BESPREN! Tuloy ang pagtulong sa kapwa!

***
Ikinalulungkot ko lalo na sa mga PBA fan ng San Fernando, La Union na hindi ako makakalaro sa exhibition game ng PBA Legends sa March 7, Sabado.

Nasabay ito sa NBL game ko versus Quezon City sa pamamagitan ng imbitasyon ni Coach Pido Jarencio at Mannix Ortega.

***
Sa kasabihang ‘ako ang nagtanim iba ang aani’ o ‘ako ang nagluto iba ang kumain’ ganyan ngayon ang nararamdaman ni Coach Yeng Guiao sa trade ni Poy Erram na napunta sa TNT kapalit sina Rabeh Husseini at isang pick.

Sa panahon ngayon sa PBA, sa mga tagasubaybay kadalasan coach lang ang trabaho mo o ‘di kaya para ka lang cook o chef.

Ang management na bahala sa rekado o mga ingredient, ikaw na bahala magluto, at kailangan masarap at malinamnam siyempre kapag niluto ng coach dahil hindi kakainin.

Kung minsan din puwede kang ilagay as passive coach ng manage­ment at ang gagawin active coach ay ang consultant. Formality lang ‘ika nga sa pagka-head coach mo pero assistant coach pala designation mo.

Ang punto de vista lagi ng management dito ay trabahante ka lang, sunod ka lang sa sitwasyon kung gusto mo ng trabaho.

May nabalitaan pa tayo na sa SMC group of coaches daw ay walang mga kontrata?

Gaano ba katotoo ito tanong ng mga pana­tiko ng PBA?

Puwede ba naman puro shake hands lang. Base on trust lang lahat. Isang malaking HAYNAKO iyan mga kaibigan.

Kapag medyo matagal nang nanunungkulan ang isang empleyado dapat mabigyan din ng maayos na kontrata.

Lalo na sa panahon ngayon. Marami tayong­ kababayan na may ayaw diyan sa ENDO ah.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More