Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mabenta sa mga fan: Harry Styles nag-gown sa magazine

0 146

Naging top seller ang VOGUE cover ng One Direction member na si Harry Styles. Kaya ang ibang gustong makabili ay nasa waitlist dahil mabilis na-sold out ang issue sa mga tindahan.

Ayon sa source ng Condé Nast: “We sold 40,000 subscriptions since launch a little over a week ago, and have already ordered a second print run.”

Bukod sa si Harry ang first male celebrity na maging solo cover sa American VOGUE, naging controversial ang pagsuot niya ng gown sa cover!

Pumayag ang 26-year old British pop star na gawin ang cover “to break boundaries”. Custom-made sa kanya ang Gucci ball gown na gawa ng designer na si Alessandro Michele at tinernuhan pa ito ng tuxedo jacket.

Ang iba pang men na nalagay sa cover ng American VOGUE pero hindi solo ay si Justin Bieber with wife Hailey Baldwin and former 1D bandmate Zayn Malik with girlfriend Gigi Hadid. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.