Una sa Balita

Mabell boses ang panlaban

By
0 202

Ang morenang si Maria Mabell Calapano ang candidate #3 ng Abante Babe, Ganda Mo, Teh! Si Mabell ay taga-Quezon City, undergrad­ ng STI Novaliches. Kaakit-akit ang dating ng 23 years old na si Mabell sa vital stats na 33-24-34 at taas na 5’5.

Laman din ng beauty contest dahil siya ay na­ging Mr. & Ms. Environmentalist 2013, Ms. Flores De Mayo 2014 at naging representative ng Quezon City para sa Ms. Tourism World 2014.

Hobby niyang kumanta, sumayaw at maglaro ng badminton. Ganda ng boses ang panlaban niya sa iba pang kandidata ng Abante Babe.

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, biodata sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin ang article na ito (Maria Mabell Calapano, Abante Babe #7, 70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation.

Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang iba pang larawan ni Mabell, dumalaw sa website na www.abante.com.ph.