Una sa Balita

Mabahong sistema

0 388

Dear Abante,
Isa sa mga hinahangaan ko sa mga kaguruan ay ang puso na kanilang ibinabahagi sa bawat mag-aaral sa loob at ma-ging sa labas ng klase.

Iniisip higit ang kapakanan ng bata bago ang mga sarili.

Isinasakripisyo ang sariling interes para sa interes ng kanilang mag-aaral. ‘Di bale nang mahirapan, ‘di bale nang may sakit, papasok sa loob ng silid-aralang may ngiti sa labi.

Ito ay ilan lamang sa mga katangian ng mga kaguruan, pribado o pampubliko man, dahil nga sa aming hangaring maibigay ang pinakamainam na aral hindi lamang mula sa aklat kundi maging sa buhay ang aming iniaalay para sa kinabukasan ng mga kabataang aming tinuturuan.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay para bang ang ina ng kagawaran na dapat naming ituring na pamilya ang siya pang nagkakaait sa amin ng pagkakataong makaranas ng ginhawa habang kami ay nagtatrabaho. Isang lugar kungsaan maaari kaming huminga matapos ang ilang oras ng pagtuturo, pagtayo at pagbibigay dunong sa loob ng klase.

Kung sino pang dapat kumakatawan sa karapatan ng kaguruan ay siya pang nag kakait nito sa kanila. Kahanga-hanga ang puso ng mga guro ngunit bakit ang ina ng kagawaran ay tila nawalan na ng puso para sa mga guro.

Nakakalulungkot na tumatandang dalaga at binata ang mga kapwa ko guro dahil lamang sa pagmamahal sa serbisyong hindi naman sila minamahal.

Habang inihahanda namin ang mga kabataan ay kaakibat nito ang kanilang mulat na kaisipan sa sistema ng pamahalaan sa pangangalaga sa kanilang mga pangalawang magulang.

Kaya nga siguro sa loob ng palikuran nalamang nanatili ang mga kaguruan dahil nga sanay na rin sila sa mabahong sistemang kanilang ginagalawan.
Rheza ng Kaypalong

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy