Una sa Balita

Mabagal na paglago ng ekonomiya ikinawing sa mahinang sektor ng agrikultura

By
0 1,507

NANAWAGAN ang isang kongresista na dagdagan ang investment sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura.

Mahalaga rin ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat na makaagapay ang Pilipinas sa pagbabago ng klima.

Inihayag ng mam­babatas na ang negati­bong epekto ng mga natural na kalamidad gaya ng mga tumamang bagyo kamakailan sa hilagang Luzon na bumayo sa mga magsasaka ay isa sa mga rason ng mabagal na paglago ng gross domestic product (GDP) sa pangatlong quarter base sa naitalang 6.1% mula sa 6.2% noong nakaraang quarter at kumpara sa 7.2% sa kaparehong quarter ng nagdaang taon batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kabilang sa mga dapat paglagakan aniya ng pondo ay ang irigasyon at pangangalaga sa mga patubigan lalo na’t ang Pilipinas ay isa sa mga tinukoy na bansa na lantad sa climate change.
Nangangahulugan umano ito na mas madalas at malalakas na bagyo ang tatama sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy