Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maari bang gawing beneficiary ng life insurance policy ang kahit sinuman?

0 793

Dear Atty. Martin,

Ako po ay kasal pa rin sa una kong asawa kaso naghiwalay na kami at hindi na nag-sasama sa iisang bahay. Sa ngayon, mahigit dalawang taon na po akong may kinakasamang ibang babae na tunay na mas nagmamahal pa sa akin. Kaya gusto ko po sanang ilagay ang aking kinakasama bilang beneficiary sa aking life insurance policy. Maaari po ba ito? -Marco

Dear Marco,

Ang pag-talaga ng isang tao bilang beneficiary sa isang life insurance policy ay mahahalintulad sa donasyon, kung saan ang beneficiary ay karaniwang makakuha ng proceeds ng life insurance policy nang walang binabayaran na premium sa nasabing policy. Ngunit, ayon sa ating batas, ang tao na hindi puwedeng makatanggap ng donasyon ay hindi kailan man puwede maging beneficiary ng isang life insurance policy.

Ayon sa Article 2012 ng ating Civil Code, ang sino mang tao na ipinagbabawal na makatanggap ng kahit anong donasyon sa ilalim ng Article 739 ng parehong batas ay hindi maaaring maitalaga bilang beneficiary sa isang life insurance policy. Sa madaling sabi, base sa relasyon ng dalawang tao, mayroong limitasyon ang pagbigay nila ng donasyon sa isa’t isa. Ito ay dahil nakasaad sa Article 739 ng Civil Code na ang mga donasyon sa pagitan ng dalawang tao na nagkasala ng adultery o concubinage sa oras na ginawa ang donasyon ay walang bisa.

Related Posts

Alinsunod lamang sa mga nabanggit mo, may posebilidad na hindi mo maaring ilagay ang iyong kinakasama bilang beneficiacy sa iyong life insurance dahil maaring ikaw ay nagkasala na ng concubinage. Muli, ayon sa Article 739, ito ay mapapawalang bisa. Gayumpaman, ang iyong life insurance policy ay mananatiling balido sa mata ng batas. Mas mainam na magkonsulta sa iyong abogado kasi depende po ito sa buong kuwento ng inyong sitwasyon.

Gusto man nating ilagay ang ating mga minamahal bilang beneficiary sa ating life insurance policy, tandan nating may mga batas na dapat tayong sundin. Hindi natin puwede ilagay kung sino man ang nais natin kung hindi ito alinsunod sa batas.

Muli, maging mapagmatyag at ugaliing magtanong. Maging mapanuri sa mga mensahe at balitang natatanggap.

Si Atty. Martin Loon ay ang President & CEO ng Cocolife, ang pinakamalaking Filipino Life Insurance Company sa Pilipinas.

“Mas mainam na ang nakakasiguro”

Leave A Reply

Your email address will not be published.