Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maari ba mapawalang bisa ang aking life insurance contract?

0 210

Dear Atty. Martin,

Magandang araw po. Ako po ay may nais itanong tungkol po saaking life insurance. Ako po ay matagal nang nararamdamankatulad ng altapresyon at kasalukuyang umiinom ng gamot para dito. Pero nung bumili ako ng life insurance, hindi ko itodineklara dahil baka singilin pa ako ng napakalaking premium dahil dito. Kung mangyari iyon, wala na akong maitatabi papara sa pangangailangan ng aking pamilya.

Ngayon, nangangamba ako kung maari bang bawiin sa akin ang life insurance ko dahil itinago ko ang aking sakit. Maari po baito? – Kris

Dear Kris,

Ang insurance contract ay isang kontrata kung saan maari itongmapawalang bisa dahil sa panlilinlang, pagtatago, kasinungalingan at iba pa ng agent o insured pagdating sakalusugan at mga sakit ng insured.

Sa batas, mayroon tayong tinatawag na incontestability clause. Ang incontestability clause ay nagsasaad na ang isang lifeinsurance policy ay hindi mapapawalang-bisa pagkatapos ng 2taon mula sa petsa ng pag-isyu o huling pagbalik nito, dahil sapagkakamali, panloloko, pagtatago o maling representasyonukol sa kalusugan at sakit ng insured. Ngunit, sa ilalim ng mgabatas ng Pilipinas, ang incontestability clause ay hindi depensapara mapawalang bisa ang life insurance policy sa kadahilananng hindi pagbabayad ng mga premium.

Ang layunin ng incontestability clause ay upang maengganiyoang mga insurer na magbigay ng insurance coverage sa mgalehitimong kliyente, sa pamamagitan ng pagasasagawa lubusangpagsusuri sa kalagayan ng insured sa loob ng 2 taon mula sa bisang polisiya at habang ang insured ay buhay pa. Kung hindimagawa ng mga insurer ito, obligado silang tuparin ang mgaclaim sa mga patakarang inilabas nila.

Sa iyong katangunan, maaring mapawalang bisa ang iyong life insurance policy dahil sa hindi mo pagdedeklara ng iyong sakit. Ngunit, kung ang iyong life insurance lumipas na ng dawlangtaon, hindi na ito maaring mapawalang bisa. Gayumpaman, maari ito mapawalang bisa kung hindi ka nagpabayad ng tamangpremiums nito.

Paalala lamang na mas nakakabuti na maging tapat at ilahad ang tamang impormasyon sa lahat ng oras kapag pumapasok saisang kontrata upang wala maging problema sa nakahaharap.

Muli, maging mapagmatyag at ugaliing magtanong. Magingmapanuri sa mga mensahe at balitang natatanggap.

Si Atty. Martin Loon ay ang President & CEO ng Cocolife, ang pinakamalaking Filipino Life Insurance Company sa Pilipinas.

“Mas mainam na ang nakakasiguro”

Leave A Reply

Your email address will not be published.