Una sa Balita

Maangas na alindog ni Sunshine minana ni Samantha

0 686

Humakot ng atensyon ang ikalawa sa tatlong anak ni Sunshine Cruz, na si Samantha, mula sa pinoste nitong larawan sa kanyang Instagram.

Takaw-pansin ang larawan ng dalaga na nakalublob ang binti sa swimming pool. Labas ang kaseksihan ng dalaga ni Sunshine sa suot nitong 2-piece bikini.

Patagilid ang pagkaka-anggulo ni Samantha ng kanyang katawan, na siyang naglantad ng kanyang pigi at magandang hubog ng kanyang katawan at lalo na ang matambok niyang puwet.

Isang throwback pic ang pinoste ni Sam na nagpapahayag sa pagkasabik niyang makapag-swimming uli.

Walang dudang taglay ni Sam ang angas ng kagandahan sa pinagsamang dugo ng kanyang ina at amang si Cesar Montano.

At ang kanyang kaseksihan at animal appeal naman ay kuha sa kanyang ina.

Humahanga ang netizen kay Samantha dahil sa pagkakaroon nito ng kaseksihan sa murang edad nito. Pinupuri naman si Sunshine sa pagkakaroon nito ng mga anak na hindi lang magaganda, sexy, matalino, kundi talented pa.

Lahat ng tatlong dalaga ni Sunshine ay kumakanta, na namana nila sa kanilang mga magulang na parehong mahuhusay umawit. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More