Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maagang bonus sa mga empleyado ng Manila City

0 80

Matatanggap ng mahigit 10,000 empleyado ng Manila City Hall ang kanilang mid-year bonus.

Ito ang inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasabay nang panawagan na mag-move on na at ibalik na sa normal ang kanilang pamumuhay kahit sino pa man ang kanilang ibinoto sa natapos na halalan.

Ginawa ni Moreno na halimbawa ang kanyang sarili matapos niyang mag-anunsiyo ng pagbati sa nanalong kandidato na si President-elect Ferdinand Marcos, Jr.

Tiniyak rin ni Moreno sa mga magulang ng mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Unibersidad ng Maynila na hindi ito magagamit sa anumang political activities.

Ito ay kasunod na rin ng anunsiyo ng alkalde na mahigpit na ipatutupad ang no permit ni rally policy

Ayon kay Moreno,patuloy siyang magtatrabaho hanggang sa huling araw ng kanyang termino sa Hunyo 30.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.