Una sa Balita

Ma-epal na kandidato binaklas ang tarpaulin

0 510

Akala ng isang kandidato sa pagka-senador ay puwede siyang maglagay ng tarpaulin kahit saang panig ng bansa.

Pero nagkamali siya ng diskarte matapos na tablahin siya sa isang malayong lalawigan sa Visayas.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, binaklas daw ang tarpaulin ng mokong dahil sa wala itong permiso sa kanilang bayan.

Ipinaiiral kasi ang kalinisan sa naturang lugar kaya’t hindi pupuwede ang magpaskil na lamang ng kung ano-ano sa kalye, pero nagmatigas itong mga bata ng senatoriable at naglagay ng tarpaulin.

Hindi pa raw nag-iinit sa kinala­lagyan, binaklas na ito ng mga tauhan ng city hall sa utos mismo ng punong lungsod.

Pintahan n’yo na: Ang senatoriable na tinabla sa isang lalawigan sa Visayas ay walang maipakitang magandang credential kundi ang maging sipsip sa administrasyon. May letrang ‘O’ sa kanyang pangalan as in Olat ang kalalabasan ng kanyang ambisyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy