Una sa Balita

Lymareva-Flink, Pacific Town Army ibinagahe ang bronze

0 285

By Janiel Abby Toralba

Bumulusok sa 1-2, pero napasingasing pa rin ni coach Emilio Reyes, Jr. ang kanyang batalyon sa pangunguna ni Olena Lymareva-Flink para matimbog ng Pacific Town Army sa 5-set ang BanKo, 18-25, 25-16, 20-25, 25-15, 15-13, at masakote ang bronze medal sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference kontra sa BanKo sa Ynares Center, Antipolo Linggo ng hapon.

Ang respetadong podium finish sa winner-take-all Game 3 ay magarang simula para sa Lady Troopers­ sa torneo kahit nalubak sa Game 1 sa pagbabalik-liga ng Sports Vision Management Group, Inc.

Pasabog ng 32 points, 29 mula sa atake, isang block at dalawang service aces ang pinakawalan ni Lymareva-Flink para sa tersera pagtapos ng koponan sa season-opening conference.

“Of course we came to this game strong because we won yesterday so we already have this mental advantage and we were like, it was not so big rest for us yes but we were completely ready mentally, physically, psychology, and everything,” litanya ni Ukranian powerhitter Lymareva-Flink.

Sa crunch time ng laban, 13-13, dumiliber si Jovelyn Gonzaga para sa PTA kung saan tinapos nito ang laban mula sa isang ace.

“Yung bronze shines like the gold para sa amin,” hirit ni Lady Troopers drillmaster Reyes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy