Una sa Balita

Lyceum sibak kay Balanza, Letran

0 419

Laro sa Martes:
(Game 1/Best of 3 Finals)
(Mall of Asia Arena)
4:00pm — San Beda U vs Letran

SWAK sa finals ang Letran Knights matapos silang akbayan nina Jerrick Balanza at Fran Yu sa 92-88 panalo kontra last year’s runner-up Lyceum of the Philippine Pirates sa stepladder semifinals ng 95th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagpakitang-gilas sa opensa si Yu habang nagtala ng importanteng puntos sa endgame ang graduating veteran na si Balanza upang ibalik ang Knights sa finals.­

Makakaharap ng Intramuros-based squad Letran ang defending champion San Beda University (SBU) Red Lions sa best-of-three series na magsisimula sa Martes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Related Posts

Bukod kina Yu at Balanza, nakasama din nila si Larry Muyang nang tuhugin ng Knights ang 15-2 run at hawakan ang 12-point advantage, 84-72, sa kalagitnaan ng fourth quarter.

Naging matatag ang Letran sa dulo kaya nakuha ang matamis na panalo.
Nagtala si Yu ng 20 puntos habang bumakas sina Muyang at Balanza ng tig-19 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Huling sumampa ang Letran sa finals noong 2015, nakalaban nila ang Red Lions.­

Namuno sa opensa para sa Pirates si Jaycee Marcelino na nirehistro ang 26 puntos. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy