Lyceum Pirate Perez sa D-League

By

Excited na si reigning NCAA Most Valuable Player Jaymar “CJ” ­Perez na lumaro sa mas malakas na liga matapos magsa­nib ang Zark’s Burgers at ­Lyceum of the Philippines University para salihan ang PBA D-League Aspirants’ Cup sa Enero 18, 2018.

Ayon kay Perez, ma­laking bagay ang paglaro nila sa D-League dahil mas mag-uumento ang kanilang laro at marami silang matututunan sa nasabing liga.

“Best opportunity sa amin ito, mas aangat ang laro namin dito,” saad ni Perez kahapon sa naganap na press conference sa Zark’s Burgers sa Taft Avenue, Malate, Manila.

Makakasama ni Perez sa Zark’s Burgers-LPU Jawbreakers ang ­kapwa Pirates na nag-second place sa 93rd NCAA basketball tournament.

Sinabi ni coach Topex Robinson na minabuti na sila-sila lang sa Lyceum ang miyembro ng team upang mas tumatag ang kanilang samahan.

“What’s important to us is the chemistry because ‘yung familiarity with each other, ‘yun ang goal namin.”

Bukod kay Perez, kasali rin sina Camerronian Mike Nzeusseu, Jasper Ayaay at kambal na Jayvee at Jaycee Marcelino. 

SHARE