Una sa Balita

Lyceum pinili ni Jota

By
0 7

Dumaan sa puntong kailangan mamili ni ­Jonathan Jota sa pagitan ng indibidwal na kasikatan o ang eskuwelahan. Pinili niya ang huli.

May tsansang makasilo ng international norm matapos pagpipisakin ang mga higante sa Battle of Grandmasters sa Makati, pero hindi na ito itinuloy ni Jota kaya nagpa-default na lang laban kay Grandmaster John Paul Gomez.

Ginawa niya ito para maglaro sa Lyceum chess team.

Resulta: Inakbayan ni Jota ang Pirates sa pagpisak upang pisakin ang College of St. Benilde 2.5-1.5 sa Final Four ng 93rd NCAA chess competition sa Lyceum Auditorium sa Intramuros.

Kinaldag ni Jota si Prince Kenneth Reyes sa board one para bitbitin ang Pirates sa final kontra San Beda chessers na 3-1 winner sa ­Arellano University sa kabilang pares ng semis duel.

Nagwagi din para sa Pirates si Romulo Curioso, Jr. sa second board, at nakipag-draw si Virgen Gil Ruaya kay Hans Christian Balingit para selyuhan ang panalo.

Si Nelson Busa, Jr. lang ang nagwagi sa Blazers.

Naglista ng ­panalo para sa San Beda sina McDominique Lagula, Marc Christian Nazario at Prince Mark Aquino sa last three boards, nabulaga si FIDE Master Mari Joseph Turqueza kay Chiefs Tyrone delos Santos sa top board.