Una sa Balita

Lyceum, Beda unahan sa pangalawa

By
0 4

Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
9:00 a.m. — CSB vs. Mapua (jrs)
10:45 a.m. — LPU vs. San Beda (jrs)
12:30 p.m. — JRU vs. Perpetual (jrs)
2:15 p.m. — Arellano vs. San Sebastian (jrs)
4 p.m. — Letran vs. EAC (jrs)

Mag-uunahan sa pa­ngalawang panalo ang eight-peat-seeking San Beda at Lyceum of the Philippines ngayong araw sa 92nd NCAA juniors basketball tournament sa The Arena, sa San Juan.

Sinikwat ng Red Cubs ang unang panalo noong Lunes kontra Letran Squires, 107-74 habang pinaluhod ng Junior Pirates ang Emilio Aguinaldo, 85-66.

Nakatakdang magsalpukan ang San Beda at Lyceum sa umaga pagkatapos ng unang game sa pagitan ng College of Saint Benilde at Mapua.

Ayon kay SBC head coach JB Sison, mapapalaban sila nang husto sa LPU na sumalo sa fourth noong nakaraang season.

“We’re expecting a tough grind against them,” patungkol ni Sison sa Junior Pirates.