Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lyca, Sarah G magkasama na sa Viva

0 188

Super happy si “The Voice Kids” Season 1 champion Lyca Gairanod sa pagkakabilang niya sa Viva Artists Agency.

Gusto raw kasi niyang makasama ang dating coach niya sa “The Voice Kids” na si Sarah Geronimo.

“Naghahanap po ako talaga ng bagong journey. Si Ate Sarah po kasi, gusto ko rin siyang makasama. Tuwang-tuwa ako na maging part ng Viva,” sey ni Lyca, 16, sa isang virtual press conference noong Nov. 25.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang Instagram post ay nagpasalamat si Lyca sa pag-welcome sa kanya ng Viva.

https://www.instagram.com/p/CIAVQnzhe4T/

9-anyos pa lang noon si Lyca nang magwagi sa “The Voice Kids” taong 2014 kung saan napataob niya sina Darren Espanto at Juan Karlos Labajo. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.