Una sa Balita

LVPI, PVF ayaw magbigayan

0 331

HINDI pa rin natatapos ang pag-aagawan sa sport na volleyball sa bansa matapos na kapwa maglabas ng kanilang mga susundin na programa at kalendaryo para sa buong 2020 ang umaangkin na Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) at ang dating namamahalang asosasyon na Philippine Volleyball Federation (PVF).

Magkahiwalay na inilantad ng LVPI at PVF ang kani-kanilang mga iskedyul at balakin para sa national men at women’s team matapos naman ang naganap na pinakahuling sitwasyon sa namamahala sa sports na volleyball sa buong mundo na FIVB o Federation International de Volleyball.

Inihayag ng isang dating mataas na volleyball sports official na hindi nagdesisyon sa ginanap na general assembly ang asosasyon ng volleyball sa buong mundo sa kaguluhan sa Pilipinas habang hinintay nitong pagdesisyunan ang pag-aagawan sa loob ng bansa sa 2018 FIVB World Congress na isinagawa sa Cancun, Mexico.

Gayunman, walang kinilalang asosasyon ang world volleyball body kundi iniatas nitong pagkasunduin ang lahat ng mga stakeholder ng sports sa bansa para magsagawa ng isang eleksiyon na pamamahalaan mismo ng namumuno dito na Philippine Olympic Committee (POC). (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More