Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Luzon binaha, trabaho sinuspendi

0 21

Binaha ang madaming lugar sa Metro Manila habang sinuspindi ang mga trabaho at pasok dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan na dala ng habagat ng bagyong Fabian.

Sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ilan sa mga lugar na binaha ay ang Edsa, C5, Roxas Blvd, Recto, Pedro Gil, Bonifacio drive, E. Rodriguez Araneta at iba pa.

Alas-8:45 ng umaga nang ianunsyong hindi na madaanan ng mga light vehicles ang UN Taft, Maria Orosa.

Sa advisory naman ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, alas-10:30 ng umaga binaha na din ang karamihang lugar sa Maynila.

Naapektuhan din ang klase at mga pasok sa mga tanggapan sa NCR at karatig lalawigan sa Luzon.

Sinuspinde ng UST, maging ng UP Manila at Miriam College ang kanilang face to face classes gayundin ang office work.

Sinuspinde din ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pasok sa lahat ng korte sa NCR.

Asahan umano na sa loob ng 24 oras ay makararanas din ng pag-uulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan. (Edwin Balasa/Tina Mendoza/Juliet de Loza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.