Una sa Balita

Luxury car wasak nang mag-beating the red light sa Makati

0 1,318

WASAK na wasak at halos mayupi ang una­hang bahagi ng itim na Audi A7 makaraang maaksidente noong madaling-araw ng Linggo.

Batay kay FB post ng netizen na si Cristel Racelis ng Intavalue Service na may tanggapan sa Makati, naganap ang aksidente sa V.A. Rufino, Ayala Avenue sa lungsod, alas-3:50 nang madaling-araw.

Nag-beating the red light umano ang kotse kaya sumalpok sa pader.

Hindi pa malinaw ang report kung nasaktan ang hindi pa nakikilalang driver ng kotse at kung saang pagamutan ito dinala.