Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Luwag quarantine wa epek : Walang trabaho lumobo sa 4.2M

0 231

NASA 4.25 milyong mga Pilipino pa rin umano ang walang hanapbuhay sa kabila ng pagluwang ng COVID-19 restriction sa bansa, ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Dennis Mapa.

Dagdag sa bilang na ito ang 370,000 Pilipinong walang trabaho na naitala noong Setyembre mula sa 3.99 milyon noong Agosto.

Sabi ni Mapa, marami ang nawalang trabaho sa sektor ng agrikultura dahil sa masamang panahon at dahil natapos na rin ang panahon ng ani.

Nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila noong unang linggo ng Setyembre ngunit binaba ito sa mas maluwang na general community quarantine noong September 8. Kadalasan, dumadami ang nagkakatrabaho ‘pag lumuluwang ang restriction ngunit hindi ito nakita sa datos noong Setyembre.

Hindi naman nagulat sa datos si Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua. Aniya, “These results were expected as many parts of the country remained under stringent and blanket quarantines for most of the survey period.”

Sabi pa ni Chua, mas maganda ang lagay ng trabaho ng mga tao sa Oktubre nang granular lockdown na ang pinatutupad ng pamahalaan imbes na mga malawakang quarantine restriction.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.