Una sa Balita

Lusot na ako sa P500M OWWA-PhilHealth scam — Duque

0 323

PINASINUNGALINGAN ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang alegasyon ni Senator Panfilo Lacson na ginamit niya sa hindi tama ang P500M pondo ng Overseas Workers­ Welfare Administration (OWWA).

“For the record and information of the honorable Senator Panfilo Lacson, this case was already dismissed by the Ombudsman in 2012 and dismissed with finality by the Supreme Court in 2013 due to the lack of evidence,” ayon kay Duque.

Una nang nag-tweet si Lacson at pinaalahanan si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagkakasangkot nito sa paggamit ng pondo ng OWWA para ipambili ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) card sa panahon ng administrasyon ni dating­ pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Dapat umanong binirepika muna ni Lacson ang impormasyon para maiwasan ang pagkalito ng publiko at dapat na ibaon na rin ni Lacson sa limot ang insidente.

Iginiit ni Duque na mahigit dalawang dekada na siyang nagliligkod sa gobyerno at hindi pa siya kahit kelan na-convict sa anumang ­maling gawain.

Sinabi pa ni Duque na patuloy siyang maglilingkod nang may integridad sa sambayanang Pilipino. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy