Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lusaw party-list pinalagan ng mga senior

0 53

Labis na ikinabahala ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang panukalang buwagin ang party-list system.

Kabilang ang Senior Citizen party-list sa patuloy na makakakuha ng puwesto sa Kongreso batay na rin sa pinakahuling partial at unofficial result na inilabas ng Commission on Elections.

Dahil dito, nabahala si Ordanes sa panukalang buwagin na ang party-list system dahil isa ang kanilang grupo na sapul nito.

Oras na mangyayari aniya ito ay magiging kaawa-awa na naman hindi lamang ang mga senior citizen kundi maging ang iba pang sektor dahil hindi na matutukan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Aminado si Ordanes na maaring naabuso aniya ang party-list system ngunit binigyang-diin nito na marami pa ang tunay na nagbibigay serbisyo sa mga mahihirap at kapos palad. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.