Una sa Balita

Lupit ni Clarkson ipapalasap kontra Syria

By
0 1,686

KASADO na ang bakbakan ng Pilipinas at Syria para sa fifth place ng 2018 Asian Games men’s basketball.

Unang nilampaso ng Filipinos ang Japan, 113-80, sa Gelora Bung Karno Basketball Hall sa Jakarta Martes ng gabi, sa sumunod na laro ay pinaluhod ng Syrians ang host Indonesia, 76-66.

Siguradong markado na ng scouts ng Pilipinas si Tarek Aljabi na bumuhat sa atake ng Syri­ans sa pinasabog na 33 points.

Biyernes ng gabi ang iskedyul ng Pilipinas-Syria match sa parehong venue. 

Sigurado na sa sixth place ang Natio­nals, kuha na ang target na malagpasan ang 7th place finish sa Korea noong 2014 Asiad, pero susubukang habulin ang mas mataas pang ­puwesto.

“We are assured of sixth place. But we still have to play one game (against Syria),” ani coach Yeng Guiao. “We want to finish our campaign here (with a win), even if we don’t have a medal.”

Nambarako ng 27 points at 13 rebounds si Christian Standhardi­nger, nagsumite si Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson ng 22 points at 9 assists sa una niyang panalo suot ang Pilipinas jersey.

Sasalang pa si Clarkson sa Biyernes, pagkatapos ng laro ay lilipad na pa-US.

Hindi pinaiskor ng Filipinos ang kulang sa taong Japan sa bukana ng third, sabay sa pagkamada ng 12 points para pabukahin ang 10-point halftime lead sa 68-47.

Ilang beses dumikit sa 15 ang Japanese, huli sa 93-78, pero rumatsada uli ng 10-point blitz ang Nationals na sinindihan ng slam ni Clarkson at hindi na bumitaw.

Apat na player ng ­Japan ang pinauwi noon pang isang linggo nang mabuko na nag-night out kasama ng ilang kababaihan. Sa final 39 seconds ng laro ay fouled out ang tatlong Japanese players, lima na lang ang naiwan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy