Una sa Balita

Lupa na kinatitirikan ng bahay walang titulo

0 704

Dear Atty. Claire, Attorney itatanong ka lang po sana kung ano gagawin ko tunggol sa lupa na tinatayuan ng bahay po ngayon sa Pampanga. Wala itong papel. Sabi lang ng lola ko noong buhay pa siya ay sa kanya raw iyon pero wala silang hawak na papel sa ngayon.

Wala naman pong kumukuha sa lupa namin kahit nung mga matanda soon sabi ay sa lola ko nga daw yun. Gusto ko pong malamang kung anong magandang gawin ko para mailagay sa pangalan ko yung lupa po mahirap na po sa pahanon ngayon.

100 years tinataniman namin ng palay yun noon ng mga lola hanggang sa tatang ko po hanggang ngayon ay ako naman ang may bahay doon
Salamat po
Joselito

Mr. Joselito,
Ang una mong gawin ay pumunta ka sa Tax Mapping Division ng munisip­yo na may sakop sa lupa ninyo. Itanong mo kung ang lupang tinitirhan ninyo ay hindi pa pagmamay-ari ng iba.

Sa Tax Mapping Division kasi malalaman kung ang lupa ay sakop na ng isang real pro­perty tax declaration o isang titulo. Kapag ito ay nakapangalan na sa iba ay hindi mo na ito maaaring mapatituluhan sa pangalan mo.

Kapag hindi pa ito nakarehistro sa iba ay may pag-asa na maipatitulo ito sa iyo. Pumunta ka sa Assessor’s Office upang maiparehistro sa pa­ngalan mo ang lupa at bahay sa Tax Declaration at ito ang magsisilbing patunay ng iyong posession. ‘Pag naipangalan mo ito sa iyo ay magsisimula ka nang magbayad ng amilyar taon-taon.

‘Pag napatunayan mo na matagal na ninyong tinitirhan at inookupahan ang lupang ito ay ipasukat mo na ang lupa sa isang geodetic engineer upang magkaroon na ng technical description na dapat na maaprubahan ng BLM or LRA. Kapag may hawak ka nang survey plan at blue print ay maaari ka nang mag-file ng petition sa korte para mapatituluhan ito sa pangalan mo. Sa korte mo papatuna­yan ang karapatan mo na ariin ang lupang inookupa ninyo.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy