Una sa Balita

Horoscope 06/21/19

0 308

ARIES (March 21-April 19) – Importante ngayon ang mga isyung pampamilya. Iwasan ding masyadong maging diktador at bigyan ng laya ang iyong mahal na magdesisyon para sa sarili niya. Hindi ikaw ang dapat masunod sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – Isanta­bi muna ang mga seryosong usapin. Ikaw ang magiging life of the party ngayon at sa darating na weekend. Pagbigyan muna ang sarili na makapagrelaks kasama ang mga taong nagbibigay lakas sa iyo. Lucky number for today: 30

GEMINI (May 21-June 20) – Masyado kang agresibo ngayon. Ingatan kung sino ang iyong mga nasasaga­saan. Maaring kaila­nganin mo ang kanilang tulong sa mga susunod na panahon kaya kontrolin ang mga gustong sabihin. Lucky number for today: 10

CANCER (June 21-July 22) – Pumapabor ang araw na ito para magamit mo ang mga hidden talent mo. Walang dapat ikahiya sa mga talentong ibinigay sa iyo. Gamitin ito para isulong ang iyong mga interes. Lucky number for today: 40

LEO (July 23-August 22) – Mapopokus ka ngayon sa personal na isyu ng isang malapit na kaibigan. Gawin ang magagawa mo. May kakayahan ka para pagaanin ang kanyang mga pinagdaraanan. Lucky number for today: 10

VIRGO (August 23-September 22) – Ikaw ang Nice Guy ngayon at gusto mong mapasaya lahat. Gayunpaman, may ilang taong inaabuso ang iyong kabutihan at kailangan mo ring maiparating sa kanila na hindi na maganda ang kanilang ginagawa. Lucky number for today: 17

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Nakatutok ka ngayon sa iyong ambisyon. Handa mong gawin ang lahat para maisulong ang matagal mo nang gustong makamit. Makikiayon ang mga pangyayari kaya ‘wag nang palagpasin ang pagkakataon. Lucky number for today: 4

SCORPIO (October 23-November 21) – May mga aberya sa paligid. May mga distraksyon din na mahirap iwasan. Kung seryoso kang matapos ang isang naumpisahan, ipaunawa sa lahat na kailangan mo munang dumistansya. Lucky number for today: 50

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Wala kang takot na magreklamo ngayon at iparating ang mga gusto mong sabihin. Iwasan lamang na makasakit ng damdamin. Pairalin ang diplomasya upang hind imaging personal ang iyong approach. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mahirap para sa iyo ngayon ang magpatupad ng pagbabago. Pero makatutulong ang pakikinig sa payo ng iyong mga mahal sa buhay. May matututuhan ka sa kanilang pananaw at perspektiba. Lucky number for today: 58

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Maging matapang at sabihin sa iyong mga mahal sa buhay kung ano ang kailangan nilang marinig at hindi kung ano ang gusto nilang marinig. Ang katotoha­nan pa rin ang magpapalaya sa lahat. Lucky number for today: 39

PISCES (February 19-March 20) – Hindi masamang magtrabaho pero kailangang sukat mo kung hanggang saan lamang ang kaya mong gawin ngayon. Kung nakakaramdam ng ilang isyung pangkalusugan, magpahinga muna. Lucky number for today: 40

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy