Una sa Balita

Lupa inaangkin ng pinsan

0 504

Dear Atty. Claire,
Ask ko lang po kung anong posibleng karapatan sa lupa inaangkin ng pinsan ng “mother-in-law” ko.

Ito po sitwasyon:

1) yung “tax declaration” ng lupa ay nasa name ng Longhino, et. al

2) Si Longhino ay uncle ng biyenan ko

3) mayroon isang anak si Longhino (Daisy ang name) pero hindi pinagamit ng nanay ni Daisy yung “surname” ni Longhino sa Birth Certificate

4) after na namatay si Longhino (about 30 years ago) ay biyenan ko na nagbabayad ng buwis (may resibo ito)

5) At present, gustong angkinin solo ni Daisy yung lupa at hindi pumayag yung mga pinsanin

Kung sakaling magpa-affidavit si Daisy na anak sya ni Longhino, valid ba yung affidavit nya?..

Salamat po..
Philip

Mr. Philip,
Ang property na ito ay nananatiling pag-aari nina  Longhino, et al at ang maaaring magmana lamang nito ay ang mga anak ng mga Longhino. Kahit binabayaran ng mother-in-law mo ang amilyar nito ay hindi kailanman niya makukuha at maililipat ang interes nito sa kanya.

 Si Daisy na anak ni Longhino ay isa sa mga tagapagmana ng ari-arian. Nang sabihin mo na et al, ibig sabihin ay hindi solong may-ari si Longhino dahil mayroon pang mga ibang co-owner.  Ang tanging makukuha lamang ni Daisy ay ‘yung share ng tatay niya (halimbawa ay 3 silang may ari, 1/3 ng lupa lamang ang makukuha ni Daisy) at hindi ang buong lupa. 

Kahit hindi nakapangalan si Daisy sa kanyang tatay na si Longhino ngunit mapapatunayan na siya ay kinilala ni Longhino na kanyang anak ay siguradong magmamana siya kasama pa ang ibang tagapagmana kung mayroon pang iba.

Ang binayaran ng mother-in-law mo ay ikokonsidera lamang na utang ng mga ta­gapagmana sa kanya o kaya ay halaga na dapat niyang bayaran sana kung nagkataon na pinauupa ang lupa dahil matagal siyang nanatili rito nang wala namang binabayarang upa o anumang obligasyon.

  Ang affidavit ay hindi matibay na ebidensya para mapatunayan na si Daisy ay anak ni Longhino. Kapag wala siyang ibang ebidensya ay mahihirapan siyang angkinin ang lupa bilang tagapagmana. Kailangan niyang patunayan ang kanyang relasyon kay Longhino. Kung may mga ibang testigo at kung pati ang biyenan mo ay alam na anak si Daisy ni Longhino ay tiyak na makukuha niya ang parte ng tatay niya sa lupa.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 02 45 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy