Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lupa gustong patituluhan

0 12

Good day po Attorney,

Sumulat po ako dahil ako po ay may gustong linawin at ako po ay naguluhan ,Yung lupa po kasi sa amin ay nais ko pong patituluhan . Ngayon po isang tao po ang nauna dyan na magpasukat ng pangkalahatan. Yun po ‘yung unang process na iniaply bawat bahay at isa lang po ang kilala ko nauna mag-process at ngayon po ay siya ang mayhawak ng kabuuang deklarasyon. Ang tanong ko po ay may ibang tao na hindi na nakipag- cooperate sa kanya at ang mga tao na ito ay bumuo ng panibagong grupo at nag-apply ng panibago . Ang tanong ko po attorney is yung bagong grupo po ba na nag-apply ay maaprobahan kahit merong naunang tao na nakahawak na ng totoong deklarasyon at siya ang nagbubuwis ? Nais ko lang po maklaro ng hindi po sana masayang ang pera na gastusin namin po . Maraming salamat po Attorney. Sana masagot nyo po ang aking katanungan . More power po and God bless . ingat po kayo lagi.

Mamshie Prez

Ms. Mamshie Prez,

Kung totoong may nakapagparehistro na para sa kabuuang lupa ay hindi na ninyo ito basta mapaparehistro muli sa assessor’s office. Kung may magsasabi niyan sa inyo ay mag-ingat lamang at alamin ang balak niyang gawin at paano niyang gagawin ng legal ito. Kung talagang may paraan siya ay dapat na samahan ninyo ang bawat paglakad niya at huwag magbitiw ng pera basta basta dahil baka kayo maloko.

Aminado ka naman na may nauna sa inyo na nakapagparehistro kaya ang pag-aaply ninyo ay hindi lalabas na in good faith. Kung mapapatunayan naman ninyo na kayo ang mas nauna kaysa doon sa nagparehisto ay dapat na dumaan kayo sa korte upang mapawalang bisa ito. Hindi kasi basta basta napapawalang bisa ang rehistro o ang tax declaration o titulo na na isyu na sa tao ng hindi dadaan sa korte.

Ang una po kasi ninyong gawin ay makipag-ugnayan sa Assessor ‘s Office kayo na nakaposisyon ay mag try na magpa-apply for tax declaration at kailangan nyo ng sukat ng lupa na sina sakop ninyo. Kapag sinabi ng Assessor’ s Office na may titulo na ito o may registered possessor na..ay hindi na po ninyo ito ma apply-an para makapagpatitulo kayo.

Mag ingat lamang lalo pa at may involve na pera sa balak ninyo gawin. Suriinin muna.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o 85142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayan din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya (09173215300).

Leave A Reply

Your email address will not be published.