Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lunas sa problemang pangkalusugan

0 96

Napasailalim sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang Metro Manila at ilan sa mga karatig-rehiyon nito kamakailan  dahil sa paglobo ng Covid-19 cases dala ng mas nakakahawang Omicron variant. 

Tila marami sa ating mga kababayan ang nababahala kaya may balita ring nagkakaubusan na ng ilang brands ng paracetamol, at maging gamot sa sipon at sa ubo. 

Ang mga alkalde naman ng Metro Manila ay nakahanda ng magpatupad ng mga paghihigpit sa paglabas ng mga unvaccinated nating mga kababayan.

Kahit na may Omicron variant na mas nakakahawa ngayon, hindi tayo dapat mabahala kung nakapaghanda naman laban sa mga ganitong banta sa ating kalusugan.  Ilan sa mga paghahandang ito ay ang  pagiging fully vaccinated  laban sa Covid-19 at  pagpapa-booster shot kung kailangan na. 

Ang pagiging disiplinado sa pagsunod sa minimum public health standards, tulad ng pagsusuot palagi ng face masks, social distancing at pag-iwas sa mataong lugar ay malaking tulong rin sa pag-iwas sa banta ng Omicron. 

Hindi na bago sa atin ang mga hakbanging ito.  Pero bukod sa mga ganitong pag-iingat, ang isa pang mahalagang gawin  ay ang pagkakaroon ng  pangmatagalan at permanenting LUNAS sa mga ganitong public health emergency, para kapag dumating ulit ang krisis ay nakahanda na tayong lahat. 

Sa Kongreso, marami sa ating mga mambabatas ang nakapaghain na ng mga LUNAS para sa ating paghahanda sa susunod na public health crisis. 

Related Posts

Isa na rito ang “Better Normal” bill na naipasa na noong 2020 sa Kamara de Representante na nagpapatupad ng mga hakbang para maiwasan pa ang pagkalat ng Covid-19, tulad ng pagkakaroon ng handwashing at sanitizing stations sa mga pampublikong lugar at pagsusuot ng masks.  Kasama ni dating Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig 2nd District Congresswoman Lani Cayetano at  Davao City 1st District Congressman Paolo Duterte ang  iba pang mambabatas bilang principal authors ng “Better Normal”  bill na nagbibigay babala at karampatang parusa rin sa hindi pagsunod  sa minimum health standards.

Gayong may bakuna na laban sa Covid-19 ay angkop pa rin ang bill na ito lalo pa’t may Omicron variant na kumakalat at tiyak na may susunod pang health crisis  tulad na rin ng naipahayag na ng mga medical experts. 

Pinaboran at naging principal authors ang maraming mambabatas sa bill patungkol sa pagpapatayo ng Virology Institute sa bansa, kasama na rito sina Cavite 1st District Cong. Francis Gerald Abaya. Marami ring mambabatas ang principal authors ng bill sa pagpapatayo  ng Centers for Disease Prevention and Control  (CDPC), tulad ni Cavite 8th District Cong. Bambol Tolentino at Navotas Cong. John Rey Tiangco

Ang layunin ng Virology Institute  ay mapalakas ang pagsasaliksik laban sa mga viral diseases at ang CDPC naman ay itutuon ang pansin sa mga outbreak ng mga nakahawang sakit. 

Si Congw. Lani  ay may bill para magkaroon ng mga 24-hour  “super health centers” sa bawat lungsod at munisipalidad nang sa gayon ay mabawasan ang pagdami ng mga pasyente sa mga public hospitals lalo na’t kapag may health emergency.  Ganito ang ginawa sa Taguig ni Congw. Lani ng siya ay alkalde ng lungsod, para na rin mapabuti pa ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga Taguigeño.  

Batid ni Congw. Lani na ang epektibong  paghahanda ay nagsisimula sa barangay level, kaya may panukalang batas rin siya para palakasin ang barangay health care system sa pamamagitan ng pagpapadami pa ng barangay health workers at pagkakaloob sa kanila ng mga mas maayos na sahod at benepisyo. 

Makikitang marami LUNAS na kailangang gawin para makapaghanda sa susunod na public health emergency. Ang mga nabanggit dito ay ilan lamang sa mga hakbang para matiyak na hindi na muli tayong mabibigla kapag nagkaroon ng susunod na health crisis. Dapat tayong makasigurado na sa ganitong problema, may LUNAS.  

Leave A Reply

Your email address will not be published.