Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lumpiang shanghai kinabog ang lechon, balut

0 12

Tinanghal ang lumpiang shanghai bilang “best Filipino food” sa TasteAtlas, isang website na may layuning itampok ang iba’t ibang pagkain sa buong mundo.

Ang Filipino-style deep-fried spring rolls — na puno ng mga giniling at mga gulay na hiniwa nang pino gaya ng carrots — ay na­kakuha ng 4.9 stars sa 5 rating.

Nakasaad din sa social media post ng TasteAt­las kamakailan na nasa ikalawang puwesto sa “best” category ang sikat na sour soup na sinigang, na naunang kinilala ng TasteAtlas bi­lang “best vegetable soup” sa daigdig. Nakakuha ito ng 4.8 stars.

Nasa ikatlong puwesto sa 4.7 rating ang tocino o ang sweet cured pork, na madalas ay al­musal ng mga Pinoy.

Kasama sa ibang Filipino food items sa nasa­bing listahan ang sisig (4.4), adobo (4.3) at lechon (4.2) na pinabilang nila sa “great” category, ha­bang nasa “ok” category naman ang daing (3.8), pinangat (3.6) at ang torta (3.6).

Itinuturing naman ng TasteAtlas na nasa “worst” category ang dinuguan (3.3), pinipig (3.3) at balut (2.6).

Ang mga iskor na binigay sa bawat pagkaing Pinoy ay batay sa rebyu ng TasteAtlas users, na kasama umano ang mga food critic. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.