Una sa Balita

Lumobo pa! 70 na patay kay Hagibis sa Japan

0 343

SUMAMPA na sa 70 katao ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Hagibis sa ilang bahagi ng Japan noong Sabado nang gabi.

Sa ikatlong araw ng paggalugad ng mga rescuer sa Japan ay desperado na silang makahanap pa ng survivor.

Sa pinakahuling ulat, nasa 70 katao na ang nasawi dahil sa bagyo na sumira ng maraming kabahayan at gusali.

Maliban sa 70 naitalang patay ay mahigit sa isang dosena pa ang pinaghahanap.

Samantala, sinabi ni Prime Mi­nister Shinzo Abe na patuloy ang gagawing rescue operation katuwang ang 110,000 police, coast guard, firefighter at military troop.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy