Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lumilipad sa panaginip

0 85

Ano kayang ibig sabihin kapag ang nakita ko sa panaginip ko na lumilipad ako? Ganoon kasi ‘yung nangyari sa isa kong panaginip. Tapos sa isa naman daw, kumain ako ng apple na pinitas ko galing sa puno na nadaanan ko raw sa panaginip. Bale magkahiwalay po ito na panaginip.

– Buboy

Madalas na matandaan natin ang mga panaginip na hindi common sa atin, tulad na lamang ng paglipad.

Ayon sa mga pagpapakahulugan, ang paglipad sa panaginip ay nangangahulugan na nakakaramdam ka ng kalungkutan sa iyong waking life at feeling mo ay wala ka nang kontrol para maayos ito.

May koneksyon din ito sa ating sariling ambisyon o tiwala sa sarili. Nirerepresenta ng paglipad ang mataas mong pangarap sa buhay. Pero kailangan mong tanungin ang sarili na sa pag-abot ng goal na ito, nais-stress ka ba o nape-pressure?

Ang panaginip na tungkol sa paglipad ay isang wake-up call sa iyong conscious mind. Kailangan mo ring isalarawan kung paano mo nakita ang iyong sarili na lumilipad.

Kung lumilipad ka sa kalangitan, sinasabi nito na mayroon kang realization sa buhay. May kaugnayan ito sa mga challenge na nakakaharap mo sa buhay tulad ng pera, trabaho, o negosyo. Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili sa puntong ito.

Samantala, ang mansanas naman bukod sa pagiging isang religious symbol ay sinasabi ring senyales ng fertility sa mga sinaunang paniniwala. Nirerepresenta rin nito ang pag-ibig, temtasyon, at maging ang spiritual growth.

Kapag nakita mo ang sarili mo na kumakain ng mansanas, nangangahulugan ito na gusto mo pang madagdagan ang alam mo.

Pero sa kabilang banda, ang prutas na ito ay mayroon ding erotic meaning na may kaugnayan sa iyong sexuality. Nangangahulugan ito ng sexual desire at malakas na sexual energy na kailangan mong mailabas.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.