Una sa Balita

Lumiliit na ang sales

By
0 916

RAMDAM na ng mga karerista ang lalo pang pagliit ng gross sales dahil sa pagkaka-alis ng doubles at forecast na siyang pangunahing nilalaro ng mga beteranong karerista.

Nitong Sabado lang ay inalis ang ta­yaan sa siyam na daily doubles at sampung forecast event na sa estimasyon ay aabot sa mahigit sa P8-milyon ang gross sales.

Pinalitan naman ito ng nag-iisang doubles sa huling dalawang karera gayundin ang nag-iisang forecast sa huling karera.

Ang gross sales ng doubles ay hindi pa umabot sa P600,000 at ang sa forecast naman ay inabot lang ng mahigit sa P300,000.

Samakatuwid, kulang pa ito ng mahigit sa P7-milyon na dapat ay naging benta ng karerahang Metro Turf.