Una sa Balita

Lumiit na chicken, endo pa rin!

Jollibee 10-year challenge:

By
0 580

PUMALYA na naman ang social media campaign ng Jollibee na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Tony Tan Caktiong nang sakyan nito ang 10-year ­challenge gamit ang pictures ng endorser nitong si Aga Muhlach na may hawak na Chickenjoy noong 2009 at ngayong taon.

“Di nagbago ang crispylicious, juicylicious favorite ni Aga! #10YearsChallenge,” post tweet ng Jollibee na pinost din nito sa Facebook noong Huwebes.

Sagot ni Zales Lex sa FB post ng Jollibee, “Sa aking palagay, lahat ay nabago na. Before, ang lalaki pa ng mga pagkain niyo at sapat na sapat na kapag kumain ka ng isang meal. Pero ngayon, kahit tatlong meal pa yan, di pa rin sapat. Tanong ko lang, bat nagkaganun? E, nag-i-increase din naman kayo ng price.”

“Sa commercial or ads lang malaki ang Chicken Joy niyo…bakit hindi kayo mismo bumili sa store niyo para masabi niyong lumiit nga ang chicken joy n’yo,” reklamo ni Amber Bautista Mikimoto.

Sa Twitter, muling ibinato sa Jollibee ang isyu nito ng pang-aapi sa mga manggagawa.

Tweet ni Aurora Magnayon Gray, “Parang yung non-regularization of employees niyo. ‘Di rin nagbago. #10years challenge,” na sinang-ayunan din ni Rodel Banaag.

Ito ang pangalawang kampanya ng Jollibee nga­yong linggo na sumabog sa kanilang pagmumukha.

Nauna rito ay kinuyog ang Jollibee sa limited ­edition na Coke in Can na may logo ni Jollibee na P45 ang isa na itatapon lang naman.

Nag-email ang Abante sa PR head ng Jollibee na si Arline Adeva pero hindi ito nagbigay ng pahayag.

Tatlong malalaking ahensiya ang ginagamit ng Jollibee: McCann, Publicis, at Dentsu.

Hindi matukoy kung kanino ang dalawang palpak na kampanya.

Noong 2017, P3.3 bilyon ang ginastos ng Jollibee para sa advertising and promotions, katumbas ng halos 1/4 ng general at administrative expenses ng kompanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More