Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lumayas pa-US: Vice Ganda hindi kasama sa taping ng ‘Showtime’

0 202

Ang saya ng madlang pipol kahapon dahil muling nasilayan sa ‘It’s Showtime’ si Vice Ganda, huh!

Ang tagal ding absent ng dyowa ni Ion Perez sa noontime show ng ABS-CBN kaya marami tuloy ang nagduda. May iba na nang-intriga pa at baka aalis na raw sa Kapamilya Network si Vice, pero mukhang imbento lang naman ‘yon ng mga kalahi ni ‘Marites’, huh!

Nag-taping din ang ‘It’s Showtime’ kahapon, pero hindi na kasama si Vice dahil kagabi ay umalis na siya pa-Los Angeles, California para sa ‘Fully Vice-cinated!’ concert niya na magsisimula sa Saturday sa Pechanga Resort Casino in Temecula, California.

Anyway, isa si Vice sa um-attend sa baptismal reception ni Baby Sylvio, ang anak ni Angeline Quinto noong Sunday sa isang hotel sa Ortigas Center.

Annabelle, Ruffa, Mond kuwela sa Sexy Babe

Bago nagsimula ang ‘Sexy Babe’ segment kahapon ng ‘It’s Showtime’, natuwa si Vice nang makita sina Annabelle Rama, Ruffa at Raymond Gutierrez.

Ang tatlo kasi ang Sexy Authori-Team kahapon.

Sey ni Vice, “Complete ang Gutierrez family!”

Sabi ng mga taga-‘It’s Showtime’, maganda ang feedback sa pagiging parte nina Bisaya, Ruffa at Mond sa ‘Sexy Babe’ kaya bumalik uli roon ang Gutierrez matriarch at ang twin-brother ni Richard Gutierrez.
Naaliw nga pala si Bisaya dahil talagang ilang minutong nag-concentrate si Vice sa mga alahas na suot niya.

Tawa nang tawa si Bisaya at ‘yon mga kakikayan na ‘yon ang gustung-gusto raw niya kay Vice.

Bongga!

‘Maid in Malacañang’ kinasasabikan

Bawal magkuwento ng mga nangyayari sa shooting ng ‘Maid in Malacañang’ ng Viva Films, kaya quiet lang si Ruffa.

Sabi nga ni Senator Imee Marcos, pinagbabawal ng direktor nilang si Direk Darryl Yap ang magkuwento sila.

Anyway, si Ruffa, ilang weeks nang bising-busy sa paghahanda para sa pagganap niya bilang si Madame Imelda Romualdez-Marcos sa ‘Maid in Malacañang’.

In fairness, napakarami ang excited na para sa nasabing pelikula.

Sabi nga pala ng mga taga-Viva Films, family dramedy raw ang ‘Maid in Malacañang’ at hindi comedy katulad ng mga inaakala ng iba.

‘Yun lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.