Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lumang inidoro bumida sa parke

0 12

Tunay na mabait sa kalikasan ang isang bagong tayong nature park sa Tabaco City, Albay.

Binubuo kasi ito ng mga luma at patapon nang bagay.

Nakatakdang magbukas sa Agosto 2021 ang Hiraya Manawari Nature Park na matatagpuan sa Brgy. San Vicente. Sinasabing pinagtulungan ito ng mga empleyado ng lokal na gobyerno ng Tabaco City.

Sa gate ay mapapansin ang wall decoration na puno ng mga bote na iba’t iba ang kulay.

Meron ding mga upuan na mula sa mga lumang inidoro, at mga magkakalapit na mga duyan.

“We came up with this idea na related pa rin siya sa basura. And dito ko na-encounter ‘yong word na ‘upcycle’… Meaning, you can transform that item into another item with a new purpose,” banggit ni Tabaco Mayor Krisel Lagman-Luistro, sa isang ulat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So ‘yon ‘yong concept ng park. It’s actually to give a chance for everything and everyone in this world. That is why it is called ‘Hiraya Manawari,’ which is an ancient Filipino term which means ‘May all your dreams and aspirations come true’.”

“Gusto rin namin kasi maubos na talaga ‘yong laman ng mga bodega namin, and mapakita namin [na] ‘yong basura is magagamit for a better purpose,” dagdag niya.

Mayroong playground, restobar, picnic site at camping site sa nasabing nature park na nasa 3,000 hanggang 5,000 square meters ang lawak.

Ayon sa alkalde, ba­lak nilang gawing P10 ang singil sa kada bisita ng park.

“We really need that especially na naapektuhan din ‘yong collection ng city dahil sa pandemic.” (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.