Una sa Balita

Lumang bahay gumuho sa Maynila

0 327

BUMIGAY ang isa sa limang magkakadikit na tatlong palapag na lumang bahay na umano’y dating Madonna Maternity Hospital kamakalawa nang gabi sa Binondo, Maynila.

Nabatid na alas-7:30 nang gabi nang biglang gumuho ang nasa dulong bahagi ng lumang bahay na matatagpuan sa Vernonica St. kanto ng Reina Regente St. Binondo, Maynila.

Ayon kay Barangay Chairman Bernard Go ng Barangay 288, Zone 27, Binondo, ang nabanggit na lumang bahay ay pag-aari umano ng isang William Ching.

Wala naman nasaktan sa may 14 na pamilya na nakatira sa nabanggit na lumang bahay nang maganap ang pagguho.

Nabatid na inaanay na ang mga kahoy kaya ito tuluyang bumigay. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy