Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lumagong ekonomiya pamana ni Digong – Palasyo

0 57

Maayos na ekonomiya ang iiwang pamana ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na administrasyon kahit pa dumanas ang bansa ng matinding epekto ng COVID -19 pandemic.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na maganda ang ipinapakita ng ekonomiya sa bansa batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Bangko Central ng Pilipinas (BSP).

Nakapagtala aniya ang PSA ng 8.3% na paglago sa unang quarter ng 2022 na indikasyon ng epektibong hakbang ng administrasyon para sa kapakanan ng sambayanan habang hinaharap ang pagsubok sa COVID-19.

Umakyat dn aniya ang mga dayuhang pamumuhunan sa bansa ng 46.3% mula sa $611 milyon noong 2021 na ngayon ay $893 milyon na at umaasa ang gobyerno na tataas pa ito sa mga susunod na araw.

Sinabi pa ni Andanar na lumago rin ang manufacturing sector ng mahigit apat na beses sa nakalipas na pitong buwan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.