Una sa Balita

Luisita at plantasyon ni Rep. Floirendo, ipamimigay ng gobyerno

By
0 103

Uunahing ipamudmod sa free land distribution program ng Duterte administration ang Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ang malawak na banana plantation ni Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo sa Mindanao.

Ito ang napagkasunduan ng Government of the Republic of the Philipines (GRP) at National Democratic Front (NDF) peace panel sa ika-apat na round ng peace talks sa The Hague, Netherland.

“One is the six-thousand-hectare sugar land in Hacienda Luisita still in the control of Cojuanco family despite a Supreme Court decision ordering its distribution five years ago,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, isa sa mga observer sa katatapos na peace talk.

Kabilang din sa ipamimigay ng gobyerno ang 6,000 ektaryang sakahan na pag-aari ng Lapanday Foods Corporation at mga Lorenzo sa Mindanao at ang 30,000 hectares na agricultural estates na pag-aari ni dating Ambassador  Eduardo Cojuanco sa Negros, Isabela at  Mindanao.

Kasama rin dito ang 102,954 ektaryang na bahagi ng logging concession ng DMCI-Consunji sa Sultan Kudarat at ang Yulo King Ranch sa Palawan na may lawak na 40,000 ektarya.

“The  banana plantation 8,500 hectares owned by the Floirendos in Mindanao, the military reservation Fort Magsaysay (3,100 hectares) and the former US military base Clark Green City in Tarlac (36,000 hectares) are some of the other lands that should be distributed for free to millions of tillers and end the long-wrought land monopoly,” pahayag ni Zarate.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy