Una sa Balita

Luis at Willie, mahigpit ang laban sa ‘bigayan’

By
0 9

Masuwerte ang mga contestant ng I Can See Your Voice dahil may isang host na kagaya ni Luis Manzano na generous at hindi nagdadalawang-isip na tumulong sa mga nangangailangan kaya minamahal siya ng fans at televiewers tulad ng pagmamahal sa kanyang mga magulang, sina House Representative Vilma Santos-Recto at Edu Manzano.

Matapos sagutin ni Luis ang chemotherapy treatment ng cancer victim at I Can See Your Voice winner na si Lovely Joy Corpuz, nangako siya kay Steven Fermin na bibilhin niya ang laptop computer na kailangan sa school ng contestant ng October 8 edition ng kanyang reality game show sa ABS CBN.

Ikinukumpara na si Luis kay Willie Revillame na bukas din ang palad sa mga nangangailangan at ginagamit na instrumento sa pagtulong ang kanilang mga television show.

Incidentally, ang Bulag, Pipi, at Bingi ang inawit ni Fermin sa Stage of Truth ng I Can See Your Voice noong Linggo.

Si Freddie Aguilar ang umawit ng Bulag, Pipi at Bingi, ang grand prize winner sa 2nd Metro Manila Popular Music Festival noong 1979.

Nagkamali ang researcher ng I Can See Your Voice dahil ang Asin ang nakalagay na kumanta ng Bulag, Pipi at Bingi sa television screen graphics.