Una sa Balita

Luis wagi ang pagiging macho dancer

By
0 402

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyUmiral na naman ang pagkabaliw ni Luis Manzano na masisilip sa video post niya sa kanyang Instagram wall. Naubusan na yata ng mapo-post ng ibang nakakaloka at nakakaaliw na videos ang host ng ‘I Can See Your Voice’ kaya ang sarili na lang niya ang pinaglaruan.

Nag-post si Luis ng video na sumayaw siya. Hindi hip-hop ang sayaw kundi macho dancing.

Naka-t-shirt at board shorts ang award-winning host habang gumigiling nang malan­di sa saliw ng isang slow music. 

Kilala si Luis na hindi talaga sumasayaw­ pero bentang-benta sa netizen ang ginagawa niya na animo ay ahas.

In fairness, ang lambot ng katawan ni Luis at kuhang-kuha niya ang indayog ng isang tunay na macho dancer. May
‘papa­na’ move pa si Luis na talagang ginagawa ng ibang mga macho dancer sa gay bar para makaakit ng costumer.

Hindi na sinabi pa ni Luis kung saan at paano niya natutunan ang macho dancing.

Kung komedyante ang ama niyang si Edu Manzano, mas malala ang pagiging kalog at toyo ni Luis. Maging ang mga kapwa niya artista ay humahagalpak sa tawa sa kanilang mga comment sa mga ginagawa ni Luis.

***

Gerald palaging busog sa putahe ni Bea

Natutukso si Bea Alonzo ng kanyang mga follower­ at fan sa pinaka­bagong nakakahiligan niya. Nag-post ang isa sa reyna ng ABS-CBN ng larawan kung saan nagbe-bake siya ng muffins.

Parang isang tunay na pastry chef ang dating ni Bea na hawak ang isang brush at pinapahiran ang ginawa niyang muffins. May close up photo ang muffins na sa tingin pa lang ay mukhang masarap.

Dahil dito, naging sentro ng tukso mula sa kanyang mga fan ang aktres, na kung ito raw ba ay paghahanda sa kanyang future o pagkakaroon ng sariling pamilya. Isa sa nagbigay ng meaning sa pagbi-bake ni Bea ay si Wilma Doesn’t.

Na tipong sigurado nga raw na palaging busog si Gerald Anderson sa mga bini-bake o mga putahe ni Bea, kapag nagpakasal na sila.

***

Iñigo naduwag sa mga K-Pop fan

Ini-reveal ni Iñigo Pascual ang pagiging K-Pop fan niya. Pero sinabi rin niya ang dahilan kung bakit tumigil na siya sa pagpo-pose ng mga larawan o anumang updates tungkol sa mga hinahangaan K-Pop.

Sa kanyang tweet, ang pamba-bash sa kanya ng marami ang nagpatigil sa kanya na maging visible K-Pop fan.

“I was a big fan of Kpop before in fact I still am. I used to post about my favorite songs, groups, and artists. The reason why I stopped posting and sharing interests in it was because of the toxic fans that keep attacking artists­ that are fans as well.”

Malinaw sa tweet ni Iñigo na kahit anong support sa K-Pop ang ipakita niya sa pamamagitan ng social media, lagi pa rin siyang tinitira ng iba.

Actually, isa sa mga kawawang artist si Inigo na kahit anong gawin ay laging binabatikos ng mga basher.

Pero, laging cool-headed ang anak ni Piolo Pascual.